|
A common sight in the fighting scene Our salty boots are never dry And people never
ask us why Until they hear our battle cry. Pitted against the toughest fiends For once we are provoked
to fight They better keep out of our sight When we unleash our strength and might.
Patrolling shores and seas Within our country's bounds We are the fighting bees
We are the sleepless hounds. We chase the renegades
Up the hill down the rough and rugged roads Exchanging blows and sharpened blades
Until they're lying dead and cold.
Ito ay pagsasaawit ng isang tula ni Andres Bonifacio. Ang tula'y nagsimulang lumaganap noong kasalukuyang
nakikidigma ang sambayanang Pilipino laban sa Kolonyalismong Espanyol.
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig
sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng
may pusong wagas
Sa bayang nagkupkup,
Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.
Ang nakaraang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa bayan, saan tatanghalin?
Sa aba ng abang mawalay sa bayan
Gunita ma’y laging
sakbibi ng lumbay
Walang alaala’t inaasam-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan.
Kayong
nalagasan ng bunga’t bulaklak
Kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal
na hirap
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
Ipakahandug-handog ang buong pag-ibig
Hanggang
sa may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit.
Ito’y kapalaran at tunay na
langit.
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig
sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig
pa? Wala na nga, wala.
|